Huling Araw Lyrics by DJ Myke

Huling Araw Lyrics by DJ Myke

Kung isang araw na lang

Ang bibigay ng Maykapal

Kakayanin ko pa ba

Na dumilat ang aking mga mata

Kung wala ka na

Paano na ang hiling ng isa’t isa

Sa natitirang tibok ng oras kapag kasama ka

Sana

May isang araw pa tayo sinta

Magkayakap hanggang sa huling paghinga

May isang gabi pa tayong dal’wa

Sana ang ngayon di na maging bukas pa

Kung huling gabi na lang

Makikita aking mahal

Sasayangin ko pa ba

Ang liwanag ng iyong alaala

Kapag minuto na

Ang unti-unti nating binibilang

Sa nalalabing halik

Na di malilimutan kailanman

May isang araw pa tayo sinta

Magkayakap hanggang sa huling paghinga

May isang gabi pa tayong dal’wa

Sana ang ngayon di na maging bukas pa

Kung ito’y huling awit pipigilan kong saglit

Ang pagbawi ng langit

At sa’yo lang kakapit

Ang pagmamahal na walang kapalit

Buhay ko sa’yo ipipilit

May isang gabi pa

May isang gabi pa

May isang araw pa

Ang huling araw ay sa’tin sinta

Ang huling gabi ay sa’ting dal’wa

Sana ang ngayon di na maging

Bukas pa…

0 comments:

Post a Comment

# Please correct lyrics @ comment box if the lyrics are wrong. Thx!